Kilalanin ang Team
“Kilalanin ang team na nagbigay-buhay sa proyektong ito!”
Martina balingit
Hi! Ako si Martina—artist, content creator, at fangirl!
Ang aking pagiging malikhain ay galing sa aking mga hilig tulad ng BTS, pati na rin sa mga series at pelikulang pinapanood ko nang sunod-sunod. Kapag hindi ako abala sa paglikha o pag-aaral,
makikita mo akong nakikinig ng musika, naglilibot sa mga bagong fandom archives, o nanonood ng mga pelikula!
julian josh sudario
Kumusta! Ako si Julian at isa akong artist na mahusay sa tradisyonal na pagguhit at ilustrasyon! Bilang isang kabataan na nais mamuhay nang lubos, ginagamit ko ang aking karanasan bilang inspirasyon sa aking mga ginuguhit. Maliban sa pagguhit, mahilig ako sa fitness, panonood ng sitcoms, at makinig sa musika.
Teo sta. ana
Hi! Ako si Teo! Dahil sa pagmamahal ko sa pag-aaral, napalawak ko ang aking mga interes sa iba’t ibang larangan tulad ng graphic design, photography, UI/UX design, videography, layouting, at pati na rin ang paggawa ng kape!
mikaela talavera
Hi! Ako si Mika, isang artist na dalubhasa sa illustration, graphic design, at video editing. Ang inspirasyon sa aking mga gawa ay kadalasang nagmumula sa mga bagay na kinahihiligan ko tulad ng musika, anime, at iba pang anyo ng pop culture. Pero kapag kailangan ko namang magpahinga, nilulubog ko ang sarili ko sa mundo ng video games, nanonood ng mga pelikula, at nakikinig ng musika.