Panoorin mo na DINE!

Kamusta ka na ga?

Hiraya: Gunita ng Batangas ay ginabuhay ang mga alamat ng Batangas sa pamamagitan ng kapana-panabik na mga kuwento at makukulay na 2D animation!

Dine, maaring makatuklas ang mga bata ng mga kamangha-manghang pakikipagsapalaran, makilala ang mga taga-rito, mabisita ang iba’t ibang tanawin at atraksyon sa Batangas, habang tinutuklas ang hiwaga ng kanilang pinagmulan bilang Filipino.

“Ako si Eve, at gagabayan kita sa iyong paglalakbay sa Batangas.”

Para naman sa mga magulang at mga guro, ang Hiraya ay isang masaya’t makabuluhang paraan para pukawin ang kuryusidad, imahinasyon, at kultural na pagmamalaki ng bawat batang Batangueño.

Sabay-sabay natin tuklasin ang ating pamana, at panatilihing buhay ang diwa ng mga alamat ng probinsya

Kumusta na kayo dine?
Kami ay apat na malilikhaing mag-aaral ng Multimedia Arts mula sa De La Salle–College of Saint Benilde!

Ang aming misyon? Ang muling buhayin ang mga kamangha-manghang kuwento at alamat ng Pilipinas na puno ng kulay, tunog, at kasiyahan na kinahihiligan ng henerasyon ngayon! 

Ang aming grupo ay binuo sa pagkamalikhain, pagkakaibigan, at pagtutulungan. Bawat isa sa amin ay may kani-kaniyang talento, maaaring sa pagguhit, pagdidisenyo, pagkukuwento, o pag-aanimate, at kapag pinagsama-sama, nagagawa naming maging animated journey ang mga kuwentong walang kupas!

Kaya i-press na ang play, mag-scroll, at maghanda sa paglalakbay sa mga kuwento ng nakaraan, na ngayo’y ibinabalik para sa inyo!

At ngayon, sabay-sabay nating isigaw nang may pagmamalaki: Taal!

Taal Volcano and Taal Lake

Ito ay isang aktibong bulkan na nasa loob ng isang malaking bowl-shaped na lugar na tinatawag na caldera. Dahil sa bulkan na ito, masustansya ang lupa sa paligid at tumutulong sa mga halaman na lumaki at maging malakas! Kapag sumabog ang bulkan, nagbabago ang anyo ng lupa at nakakatulong ito sa paggawa ng tahanan para sa maraming hayop at halaman.

Makikita mo ito sa: Episode 1: Pagsisimula ng Kuwento at Episode 5: Mga Bukirin ng Damdamin

Eliza, J. (2018). Photo of Mountains Near Ocean

[Photograph]. Pexels. https://www.pexels.com/photo/photo-of-mountains-near-ocean-1246949/